Monday, October 30, 2017

Daredevil : Chapter 8



Gulat na gulat na sinalo ni Terrence ang lahat ng atake ng maid sa kaniya. Puro ilag lang ang kaniyang ginagawa dahil sa sobrang bilis nito. Halos manginig siya sa takot sa kaisipan na kung ganito kalakas ang maid ni Megan, ano pa kaya ang mismong babae? Binigyan siya ng nakakatakot na tingin ng maid. "Hanggang ilag ka na lang ba, Terrence?" pang-uuyam nito sa kaniya. Napaikot siya ng mata. How can he even fight her kung basta-basta na lang itong susugod sa kaniya? She can atleast give him a second to be ready for her attack! 
     Mukhang nabasa nito ang kaniyang iniisip dahil tumigil ito at inilagay ang kamay sa bewang nito. "In the actual fight, where guns and deadly weapons can be used to kill you, how prepared can you be? Can you deflect those bullets? Those sharp objects? What will you do in those times so that you may survive, Terrence? Are you just going to dodge them, and hope that you'll somehow get through it?" Hindi nakasagot ang lalake kay Ella. Nagpatuloy ito, "That is why we're doing this. I'm training you so that you may somehow survive in this harsh world. And if you have have something against this, feel free to walk away, this instance, from this training room." Yumuko si Terrence dahil sa hiya. Alam niyang nagsasabi ng totoo ang babae. Pero napakunot naman siya bigla. Why is he doing this anyway? Hindi naman siya pumayag sa gusto ni Megan hindi ba? Why was he here in the first place? 
     "I---"
     Hindi niya nasabi ang gusto niyang itanong sa babae nang muli na naman itong sumugod sa kaniya nang walang sabi-sabi. My God, how is he going to survive the harsh world if he can't even cope up with this unbelievably strong woman?

---
    Hindi mapakali si Megan. Hinihintay niya ngayon si Terrence sa Black Room. Kailangan nilang magmadali. Nasa panganib ang mga kaibigan niya ngayon. Walang oras ang dapat na masayang. At lalong-lalong wala dapat na magawang pagkakamali. This mission of hers is very tricky and dangerous. Walang impormasyon ang dapat na kumalat. Hindi dapat malaman ni Red Tiger na alam niya na kung saan nito tinatago ang kaniyang mga kaibigan. Hell, it's all over when that demon of a woman learned about this.
     Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Terrence na nakasimangot sa kaniya. "You know, I was just forced into this. I didn't want to be part in any of this." 
     Hindi pinansin ni Megan ang lalaki. Sa halip ay binigay niya dito ang map ng abandonadong building kung saan niya natrack ang call ni Queenie. "What's this?" kunot-noong tanong ni Terrence, "It's a map, obviously.rinig niyang bulong ng lalake sa sarili. Inikot niya ang kaniyang mata. "I'm going to be a decoy for this mission of ours," Mission of yours, isip ni Terrence, "And you'll be the one to find my friends." patuloy ni Megan at binigay niya dito ang picture ng apat niyang kaibigan sa lalake.
     "So you mean I went to a lot of hard training these past few days just for me to rummage this whole place looking for your friends that I'm not even acquainted to?" inis niyang tanong. 
     Binigyan siya ni Megan ng blankong tingin. "So you mean I asked my maid to train you for nothing? Can't you think with your brain right now? Obviously I made you train with Ella in order for you to protect yourself just in case you made a mistake while looking for them and someone tried to cut your head off." bumuntong hininga ang babae. "Let's save this fight for later. We need to act quick before Red Tiger could even know about our plan."
     It's Terrence's time to let out a huge sigh. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang sundin ang babae. Forced or not, he somehow felt that's he's partly to be blamed for this mess. Umalis man siya sa Red Tiger Gang, hanggang ngayon ay dala-dala niya pa rin ang kunsensya mula sa mga inosenteng tao na kanilang pinabagsak nang siya ay kasali pa rito. It's about time na siya naman ang magpapabagsak sa mismong leader ng gang, si Red Tiger.
     Agad-agad na umalis ang dalawa mula sa Black Room. Nagtataka si Terrence kung bakit na imbis sa parking lot sila pupunta ni Megan ay dumiretso sila sa rooftop ng Gangster Palace.  May kinuha si Megan na parang remote sa bulsa ng suot niyang leather jacket at pinindot ang nag-iisang button dito. Nanlaki ang mata ni Terrence nang biglang bumukas ang isang malaking pintuan at sa loob na ito ay may iba'-ibang uri ng sasakyang panlipad. May jet plane, helicopter at iba pa. Really, how rich can this woman be?
     Lumapit sila sa helicopter at unang sumakay si Megan. May mga kung ano-ano pang ginawa ang babae bago tuluyang umandar ang helicopter. "Are you just going to stand there, gaping like an idiot?" She deadpanned. Napasakay naman ng wala sa oras si Terrence dahil sa sinabi ng babae. 
     "The faster the better." nakangising sabi ni Megan. Just you wait, the lot of you. I'm going to save you from that bitch's grasp.
---
     Nanginginig na nilunok niya ang lahat ng takot na nararamdaman niya ngayon habang nakatingin sa walang malay na si Miggs. Hindi pa rin siya mapakali dahil nagawa niyang lokohin ang kaibigan niyang si Megan. Tumingin siya kay Red Tiger na nakaupo sa harap nilang tatlo na parang isang reyna. Nakangisi ito sa kanila na mukhang tuwang-tuwa sa lahat ng nangyayari. 
     "Ano kayang magiging reaksyon ng reyna niyo sa oras na malaman na ipinagkanulo niyo siya? Mukhang alalang-alala pa naman siya sa inyo." tumawa ito na parang demonyo. "You know how she hates being betrayed, Queenie and Lee. You, of all people." 
     Pilit niyang ininda ang pagkirot sa puso niya dahil totoo ang sinasabi nito. Pero ano pa bang iba niyang magagawa upang maligtas silang lahat mula sa demonyo na nasa harap niya? Matalino ito. Kaya nitong gawin ang lahat para lang sa inaasam nitong paghihiganti. 
     Pumikit si Queenie at naalala niya kung ano ang mga nangyari bago nila napagdesisyunan ng kaniyang kakambal na gawin ang hindi dapat nila ginawa.

     Gulat na gulat na tiningnan ni Lee at Queenie nang biglang mangisay si Miggs at biglang nawalan ng ulirat. Napakabilis ng pangyayari. Hindi nila napansin ang pagdating ni Red Tiger dahil sa sobrang pagkawindang nila sa nangyari sa kaibigan nila hanggang sa narinig na lamang nila ang boses ng babae. 
  "Well, I praise you all for your deep loyalty and love for your dear friend Megan, but I cannot just let you go... not yet. Not until that girl is dead." At doon din ay naramdaman na lamang nila sa huli ay ang pagbagsak ng kanilang katawan at paghalik ng malamig na semento sa kanilang balat.

     Pagkagising nila ay naka-kadena na ang kamay nila sa taas ng kanilang ulo. Nakatayo sila at nakasandal ang likod nila sa pader. Nasa loob sila ng kuwarto kung saan nila nahanap si Miggs kanina. Kumunot ang noo ni Queenie nang tingnan na parehas na silang gising ni Lee. Mas naunang nawalan ng malay si Miggs ngunit hanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata nito. Sa harap nila ay isang nakangising babae na nakapahalumbaba sa kamay ng upuan na wari'y akala mo'y isang reyna. 
     "Mabuti naman at gising na kayo."  pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon mula sa kaniyang labi ay may pumasok na dalawang lalaki habang hawak-hawak ang isang nagwawalang babae na nakapiring ang mata. Ang bibig nito'y may nakatapal na duct tape kaya puro ungol lang ang maririnig dito.
     Mabagal munang nagproseso sa utak ni Queenie kung sino ang babaeng iyon pero nanlalaki ang mata niya sa realisasyon nang makilala niya ito. Isisigaw na sana niya ang pangalan nito ngunit naunahan siya ng kaniyang k ambal.
     "KIM!" sigaw ni Lee. Napatigil si Kim sa pagwawala nang marinig ang boses ng kaibigan. Umungol ito na tila may gustong ipahiwatig sa kanila. Mas lalong nagalit si Lee sa senaryo na nakikita niya. Nagwawala na rin siya sa kabila ng pagkagapos ng kamay nito. "Putangina, Red Tiger! Pakawalan mo ako ngayon! Natatakot ka ba sa maaari naming gawin sayo kung wala ang mga kadenang ito sa kamay namin? Isa kang duwag!" 
     Sa halip na mainis ay mas lalong lumawak ang mga ngiti sa labi ni Red Tiger. "Sabihin mo na ang lahat ng maaari mong sabihin, Takanasi Lee. Hindi nito masisira ang anumang plano ko para mapatumba si Megan." doon napatigil si Lee. Tiningnan niya si Red Tiger na parang nahihibang na ito.
     "At ano naman ang plano na iyan? Sa tingin mo ba ganoon kadaling mapabagsak si Megan? Hindi tanga ang kaibigan namin, Red Tiger."  lakas-loob na sabat ni Queenie. Tiningnan naman siya ni Red Tiger. May maskara itong suot na nagtatakip sa isang parte ng mukha nito. Kahit ganoon ay hindi pa rin maiwasang matakot ni Queenie sa binibigay nitong pagtingin sa kaniya.
     "Hmmm... Ano nga kaya ang plano na iyon?"
     Napanganga si Queenie at Lee nang tumayo ito sa pagkakaupo at biglang hinila ang buhok ni Kim nang sobrang lakas. Napapikit si Queenie dahil ayaw niyang makita ang nangyayari. Bakit si Kim pa ang pinag-interesan nitong saktan? Bakit hindi isa sa kanila nila Miggs at Lee? Mga gangster naman sila at sanay na silang masaktan. Ngunit si Kim... isa lamang itong ordinaryong tao. Wala itong kinalaman sa kahit na anong ugnay sa pagiging gangster.
      "Ito lang naman ang plano ko, Yamoto twins.  Simple lang. Maaari kong patayin ang sinuman sa inyong apat ngayon, ngunit mapipigilan ito kung susundin niyo ang lahat ng sasabihin ko sa inyong gawin." 
     Tiningnan siya ng masama ni Queenie.
     "Hindi kami magpapahulog sa anumang binabalak mo Red Tiger." pagdiin niya. Bumungisngis naman siya na siyang ikinagulat niya.
     "I knew you would be so hard to convince." Nagtaka naman si Queenie nang itinaas nito ang pantalon na suot nito. Doon ay nakatago ang isang dagger. Halos mahimatay na siya nang ipadaan nito ang dulo ng dagger sa leeg ni Kim. Kita niya ang paglabas ng kaunting dugo mula rito.
     Hayop ka, isip niya. Nanggigigil siya sa sobrang galit.
     "Fine! Gagawin namin ang gusto mo! Iutos mo na lahat ang gusto mong ipagawa sa amin! But after this don't bother us again. Sa oras na malaman namin na lolokohin mo lang kami ay kami mismo ang pupugot sa leeg mo!" galit na galit niyang pagkasabi kay Red Tiger na hanggang ngayon ay tila hindi natitinag. Demonyo talaga. Tiningnan naman siya ni Lee na parang nababaliw na siya pero hindi na ito nagsalita pa. Bumuntong-hininga siya.
     Even if we end up betraying you Megan, I know that we will all get through this. I'm putting all my hopes and trust in you, though this may end with you losing your trust for us, iyon lang ang paulit-ulit na naiisip ni Queenie. God, she hope she's doing the best thing.

No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer