Monday, October 30, 2017

Daredevil : Chapter 7


     What in the world did you actually do to him?" mainit ang ulo na tanong ni Megan sa kaniyang personal maid na si Ella. Tiningnan niya ang nakahandusay na katawan ni Terrence sa kaniyang sofa. Kinuyom niya ang kaniyang kamao dahil sa nabubuong galit sa loob-looban niya.
     Nakayuko lang ang babae sa kaniya at mukhang wala pa itong balak na tingnan siya sa mata. Pero wala itong takot na sumagot sa tanong niya, "We cannot just let him do as he please, milady. You need him and whether he likes it or not, he's already involved in this fight you and Red Tiger has started. Just by him being a former member of the Red Tiger Gang makes him your enemy already." kalmadong pagkakasabi ni Ella sa kaniya. Though the maid has a point, hindi pa rin niya maiwasang hindi mainis dito.
     "BUT I WANT HIM TO TRUST ME FIRST! And you doing this for me will not help me in any way at all!" tanging sagot niya sa babae.
     "You want to save your friends as soon as possible right? Then trust me, milady, you won't regret believing me in the future. You do know that we do not have much time as of now right? The Hugo Mafia are currently making their move too. What if they found out soon that you're in a miserable situation? You are not the only one who will soon be put to hell but try to think about the whole Gangster Society too." Natameme si Megan sa sinabi ng kaniyang maid. Napabuntong-hininga siya at napatinging muli sa walang malay na katawan ng lalake. Muli niyang naalala ang dahilan kung bakit siya nagtatago bilang Adela Tan sa sarili niyang school. Hindi dahil sa ayaw niyang makilala siya na isang heir ng Chairman ng school na iyon, kundi ayaw niyang makilala siya bilang anak ni Darth Archimedes Reid --- ang kaniyang ama na pinatay ng Hugo Mafia.
     Matagal na siyang nakapagtapos ng pag-aaral. Kaya lang naman siya nandoon sa paaralan na iyon ay dahil sa nalaman niyang may mga ipinadalang mga alipores ang Hugo Mafia sa school na pag-aari ng pamilya niya. Ang chairman ng school na iyon ay ang kaniyang lolo na si Supremo Reid. Hindi siya takot sa posibilidad na ang lolo naman niya ngayon ang sunod na target ng Hugo Mafia dahil nasa lugar ito kung saan walang tao ang makakahanap rito.
     Hindi niya alam kung bakit ba pilit na gustong ipapatay ng Hugo Mafia ang buong pamilya niya. Isa pa rin ito sa mga bagay na gusto niyang alamin hanggang ngayon. Wala na ang tatay niya, hindi niya na rin alam kung nasaan na ngayon ang nanay niya. Pati na ang kaniyang kambal na si Angel na pilit niyang hinahanap simula ng araw na namatay ang bunso nilang kapatid na si Lilia dahil sa isang aksidente ay hindi na niya rin mahanap.
     Hindi niya na muling hahayaan na may mawala ulit sa kaniya. Gagawin niya ang lahat mabawi muli ang mga kaibigan niya mula sa kamay ni Red Tiger, kahit na ang ibig pang sabihin noon ay gagamitin niya si Terrence para mapatumba ito.
     Pinikit niya ang mata niya. Nakapagdesisyon na siya. Tiningnan niya si Ella na hanggan ngayon ay naghihintay ng iuutos niya rito. "Train him. Make him ready in three days. Gawin mo ang lahat para maging karapat-dapat na kanang kamay ko ang lalakeng iyan." Yumuko ang babae sa kaniya. "Very well, milady."

---

     Walang kahit na anong makikitang emosyon sa mata ni Red Tiger nang inanunsyo ni Chino, o mas kilala sa code name nitong Hellsing, na nawawala ang kambal na kaibigan ng Gangster Queen sa kwarto kung saan nila ito kinukulong at pinapahirapan. Hindi na siya nagulat na mangyayari ito. Hindi naman mga ordinaryong gangster ang mga kinidnap nila. Sila ang pinakauna sa lahat ng mga gang ng Gangster Society. Sanay na siguro ang mga ito sa mga gantong pangyayari kaya't alam na nila ang gagawin nila.
      "Tsk." Tanging binigay na sagot ni Red Tiger sa naghihintay na lalake. Kinuha niya ang kaniyang baril at ang mask na nakapatong sa lamesa na katabi ng kama niya. Binigyan niya ng masamang tingin si Chino. Nakalimutan na naman nitong kumatok sa kwarto niya. Basta-basta na lang talaga itong pumapasok, kailangan niya na talagang ipaayos ang lock ng pintuan na sinira ng lalake. Mas matibay na lock ang kailangan niya. "Hintayin mo ako sa labas." Tumango ang lalake sa kaniya at lumabas.
     "Doofus." Mahina niyang bulong. Kumuha siya ng damit sa closet at isinuot ito. Kailangan niya ng alisin ang habit niya na pagtulog ng nakahubad. Lalong-lalo na kung napakawalang-kwenta at isang manyak ang unang kanang kamay niya. Tiningnan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang mukha at sumikip ang dibdib niya. Naalala na naman niya ang araw na iyon. Ito'y isang marka ng nakaraan.




     Hingal na hingal siyang pumasok sa bahay nila. Kitang-kita sa mukha niya ang takot at pag-aalinlangan. Sumilip muna siya sa labas bago tuluyang isarado ang pintuan at saka umupo na nakasandal dito. Kitang-kita niya ang lahat ng nangyari. Kung paanong pinatay ng mga taong iyon ang kaniyang ama. Nandoon rin ang kapatid niya. Hindi niya pa rin maintindihan kung paanong iyon ang naging pinakapaboritong anak ng kaniyang ama. Isang halimaw – iyon ang turing niya sa kaniyang kapatid. Walang emosyon; hanggang sa pagkamatay ng kaniyang ama'y wala man lang itong ipinakita sa kaniyang mukha na kahit na anong pag-aalala. 'Ni isang patak ng luha ay wala. Isang blankong tingin lang ang kaniyang nakita.
"Dap-dap! Dap-dap!" nanlamig ang buo niyang katawan nang marinig niya ang boses nito. Hindi. Kailangan niyang magtago. Nanginginig siyang umalis mula sa pagkakasandal niya sa pintuan. Saan? Saan pwede? Lumingon-lingon siya sa kaniyang paligid. Nakita niya ang pintuang iyon. Lalapit na sana siya pero bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama. "Kahit na anong mangyari, huwag na huwag niyong bubuksan ang pintuang iyan."
Pero patay na siya, isip niya. Narinig niya ang isang pagputok ng baril. Hindi. Mas importante ang buhay niya ngayon. Binuksan niya ang pintuan at mabilis na nagtago dito. "Dap-dap!" Hindi. Lumayo ka sa akin. Huwag kang lumapit. Halimaw ka. Halimaw! HALIMAW! Hindi niya na alam kung humihinga pa ba siya sa sobrang takot na kaniyang nadarama. Sobrang dilim sa kuwartong iyon. Hindi niya sinubukang buksan ang ilaw sa takot na baka malaman niya kung saan siya nagtatago. At sa takot na kung ano ang makita niya sa loob ng kuwartong iyon.
Sinubukan niyang maghanap pwedeng matataguan sa kuwartong iyon. Pero sa kasamaang palad ay mayroon siyang nabasag na isang bagay. Nawala na ata ang dugo niya sa buong katawan dahil sa nangyari. "Dap-dap?"
Hindi. Wala kang narinig. Wala kang narinig. Wala kang narinig.
"Dap-dap, nasaan ka? Lumabas ka na. Sige naman oh. Ayaw mo bang mabuuhay si daddy?
Patay na siya. Patay na siya. Patay na siya. Hindi na siya muling mabubuhay pa.
"Sabi nila bubuhayin daw nila si daddy. Sabi nila kailangan nating sumama para mabuhay siya. Sige na Dap-dap! Magpakita ka na please." Lumayo ka sa akin. "Dap-dap?" narinig niya na papalapit na ito sa pintuan. "Nandito ka ba?"
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napayuko siya at napadasal ng wala sa oras. Pero ano pa bang silbi ng dasal niya? Wala na. Dahil sa oras na binuksan niya ang mata niya ay nandoon ang kaniyang kapatid. Nakangiti ito sa kaniya.
"Nahanap na rin kita sa wakas."










     Minulat niya ang kaniyang mata. Nandoon pa rin ang sugat sa kaniyang mukha. Tila nilalait ang kaniyang pagkatao. Tinanggal niya ang pagkakahawak dito at isinuot ang maskara. Napaikot siya ng mata nang marinig niyang kumatok si Hellsing. Don't you think it's too late for you to knock, you damn bastard? She dismissed the thought right away when Hellsing opened the door without even waiting for her response.
     "You're still not ready?" tanong nito habang nakakunot ang noo nito sa kaniya. Binigyan niya lang ng masamang tingin ang lalake, "I was about to go but then you have the guts to barge into my room without waiting for my permission." malamig niyang tugon rito at nilagpasan ito. Nauna na siyang naglakad sa lalake na nagkibit-balikat na lang sa ugali niya. Sanay na sanay na ito sa kaniya.


---
(. . . Approximately 24 hours after Miggs', Lee's and Queenie's escape)

     "Do you know where exactly are they keeping Kim and Megan?" kunot-noong tanong ni Miggs sa kambal. Malumbay na umiling ang dalawa sa kaniya. "We have no idea where they took Kim. Pero we are sure that Megan is safe."
      He gave them a questioning look. "And what exactly do you mean?" 
     "Megan is not with us Miggs. Kinausap kami ng alipores ni Red Tiger bago pa kami nakatakas ni Lee. They told us that Megan is coming for us. She's going to save us Miggs. But we do not know what they're going to do to her once she's here. She could die anytime soon. Just because of our own carelessness." sagot sa kaniya ni Queenie. Napabuntong-hininga si Miggs ng malakas. Tiningnan niya ang lugar na kinaroroonan nila ngayon. Nandito pa rin sila sa loob ng mukhang abandonadong building. Mukhang ito ang pansamantalang hideout ng Red Tiger Gang. 
      Isang araw na silang pasikot-sikot sa building na ito, hinahanap ang kasamahan nila pero hindi nila ito makita. Para bang alam ni Red Tiger na makakatakas silang tatlo . . . at hindi sila aalis hanggat hindi sila kumpleto.
     Mukhang pinaghandaan talaga ni Red Tiger ang lahat.
     "Fuck!" inis na sambit niya at sumandal sa pader. Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na nagpakawala ng malakas na buntong-hininga. 
     "I think we should continue our search for Kim. We shouldn't just wait for Megan to come save us. Hindi lahat ng oras aasa na lang tayo sa kaniya." sabi ni Lee sa kanilang dalawa. Nagsitanguan naman ang mga ito at umaktong tatayo na nang bigla na lang nangisay si Miggs at natumba.
     Hindi pa nag-register sa utak ng kambal ang nangyari nang marinig nila ang boses ng taong iyon.
     "Well, I praise you all for your deep loyalty and love for your dear friend Megan, but I cannot just let you go... not yet. Not until that girl is dead."

---

(8 hours after Terrence was knocked out by Megan's maid, Ella // 16 hours after Miggs', Lee's and Queenie's escape)
Hindi maalala ni Terrence ang nangyari sa kaniya pagkagising niya. Napahawak siya sa tiyan niya nang biglaan siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Parang bang may sumuntok sa kaniya. Bigla siyang napaisip. Sumuntok?
Biglang bumalik sa kaniya ang lahat ng nangyari. That's right! Sinuntok siya sa tiyan ng head maid ni Megan na si Ella. The hell with that girl? Anong problema nito? Inutusan ba ito ni Megan na gawin ito sa kaniya para mapapayag siya sa kung anong gustong mangyari nito? Puwes, he's still going to say no, no matter how many times she will ask him!
Napatalon siya sa kama, (literally) nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto kung saan siya naroroon ngayon. Ngayon niya lang rin napansin na nasa Black Room pala siya ngayon. Tiningnan niya ng masama ang babaeng pumasok ngayon. "Come with me."
"No." Madiin niyang pagkakasabi dito. Kaharapan niya ngayon amg maid ni Megan na siyang sumuntok sa kaniya. Hah! Who is she para utos-utusan siya?
"Come with me or you'll die right now." Malamig nitong tugon sa kaniya. Nanlamig ang buo niyang katawan dahil sa takot. Kung ganito katakot ang babae na ito pag galit, ano pa kaya ang mistress nito?
"Sabi ko nga sasama ako eh." Napipilitan niyang sagot.
Sinundan niya ito papunta sa mukhang basement ng mansion ni Megan at hindi niya aakalain ang nakita niya. Damn. Matagal niya ng pinangarap na magkaroon ng sariling training ground sa loob ng bahay niya and this is like a dream come true for him. But...
"Why am I here?" Tanong niya sa maid. Hindi na siya nakarinig ng sagot mula rito nang mabilis itong naghagis ng kunai sa kaniya. Isang segundo lang. Kung hindi lang siya mabilis na nakailag dito ay matatamaan na ang mata niya sa isang segundo.
"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!" Sigaw niya pero nakangisi lang ito sa kaniya at mukhang impress pa ito sa ginawa niya.
"That..." Sumugod ito kay Terrence habang pinapuputukan siya nito ng baril na nakuha nito mula sa isang table. "... Is why you're here."
---
(48 hours after Miggs, Lee and Queenie was captured)
Hinihintay ni Megan ang resulta ng training ni Terrence with her maid Ella nang mga sandaling iyon. Nakahanda na ang lahat. Hinihintay niya na lang si Terrence.
Nagulat na lamang siya nang tumunog ang phone niya. Ang sa totoo lang ay kinakabahan siya sa kung anumang posibleng mangyari ngayon. That's why she can't help but be jumpy in this situation right now. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag sa kaniya ngayon at napakunot-noo. Unregistered number. Hindi niya alam kung sasagutin niya pa ba ito sa oras na ito o hahayaan niya na lang pero she can't help but be curious.
"Hello?" A loud crash. "M-Megan!" Queenie?
"Queenie! Where are you right now? Tell me where the hell is your location!"
"I- I'm not sure. But there's something you should know right now. Miggs was captured by Red Tiger. He was drugged, Megan! Nagtatago kami ngayon ni Lee and I think we're in an abandoned building. Dito ata ang hideout nila Red Tiger ngayon." Umakyat ang magkahalong takot at galit sa puso ni Megan. Rinig niya ang paghihingalo ng kaniyang kaibigan. Nangingig ang kamay niya sa poot. Red Tiger. Red Tiger! RED TIGER!
"Hang on there. Just wait for me. I'll use this conversation to track your location. Do whatever you can to survive right now, the both of you. I'm on my way. I'm on my way..." The line ended. Napapikit si Megan. Kinalma niya na muna ang sarili niya. Kailangan niyang maging matatag sa ngayon. Para sa mga kaibigan niya.
"Fuck you, Red Tiger."

No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer