Monday, October 30, 2017

Daredevil : Chapter 9




Tahimik ang biyahe ni Megan at Terrence papunta sa lokasyon ng mga kaibigan niya. Good. She does not want to hear any unnecessary comments coming from the man right now. That would just ruin her focus from saving her friends which was something she's avoiding from the start. God, she can't help but wonder what the hell is going on with them as of now. Kamusta na si Miggs? Hindi niya maiwasang mag-alala sa leader ng number 1 gang sa Gangster Society. Queenie did mention that some kind of drugs was used in order to defeat that monster friend of hers. Hindi madaling mapatumba ang lalake, malaki ang tiwala niya rito. Pero kung ganoon nga ang nangyari, hinding-hindi niya mapapatawad si Red Tiger sa kung anuman ang posibleng magiging epekto sa katawan ni Miggs. She hope that Miggs could fight whatever drug was injected to his body. She hope that he would survive.
     Tiningnan niya si Terrence. Tahimik itong nakatingin sa baba, tila pinagmamasdan kung gaano kaliit ang mga matatayog na gusali sa paningin nila ngayon. She felt sorry for the guy. After all, pinilit niya lamang ito. Alam niyang may tinatago ito base sa pagtanggi niya pa lamang sa umpisa na makisali sa labanan nila ni Red Tiger. Mukhang may tinatakasan ito. Umiling siya. She doesn't have to know what is it. Masyado niya na itong pinakialaman. 
     Bumalik ang atensyon niya sa gagawin niya. Iniipon niya sa ngayon ang lahat ng galit niya para kay Red Tiger upang may mapagkunan siya ng lakas mamaya sa oras na harapin niya ito. Huwag niya lang malalaman na sinaktan nito ang tatlo niya pang kaibigan. Tama na ang kay Miggs. Kumukulo na ang dugo niya nang nalaman niya ang sinapit ng lalake. God knows what she would do kapag sinaktan din ni Red Tiger sila Kim, Queenie at Lee.
     She checked her GPS to see that she's near the site where Red Tiger and her minions are hiding right now. Nagdilim ang paningin niya. Kating-kati na siyang patikimin ang kamao niya sa panga ng kalaban. Kaunting-tiis na lang ay malapit na siyang makitang muli ang kaniyang mga kaibigan. 
      Wait for me, you idiots. Your friend Megan would swoop you all up in her arms in a matter of minutes. Just stay alive and don't do anything stupid. Trust me on this one, she mentally told them. She rolled her eyes. As if they could hear her.
     Nakita niya na ang abandonadong building na nasa GPS niya. Ngumisi na siya. Well, it's time for them to land.

No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer