Saturday, May 14, 2016

Resurrection Academy : Chapter Four

RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel
Buong magdamag akong hindi nakatulog noong madaling araw ding iyon. Hindi ako mapakali habang nakahiga sa kama. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang sinabing mga salita ni Trevon bago pa ako makapasok sa kuwarto ko.

"We are the Lost Souls. Kaluluwang hindi matahimik at hindi matanggap na patay na tayo. At nandito tayo para mabigyan tayo ng pagkakataon na mabuhay pang muli."

Lost Souls

Patay

Tayo

Buhay

Muli

Pagkakataon

Sa mga salitang sinabi ni Trevon, iyon lang ang mga tumatak sa utak ko. Ayaw kong maniwala dahil alam ko naman na puro kalokohan lang ang alam ni Trevon. Pero napakaseryoso niya noong sinabi niya iyon sa akin. Para bang sinasabi niya sa akin na totoo lahat ng sinasabi niya at hindi siya nagsisinungaling.

And it makes sense. Kaya siguro mukhang anghel si Headmaster Junmyeon dahil nasa kabilang buhay na kami. Pero kabilang buhay ba talaga? Ang sabi ni Trevon, nandito kami sa Resurrection Academy para mabigyan ng pagkakataon na mabuhay pang muli. Kaya ba mayroong nagaganap na Monthly Unit Examination?

Doon ko naalala ang nakasulat sa student handbook.


"There will be a monthly unit examination for each year level. Your fate will be decided in that test - if you can still be part of Resurrection Academy, or if you will die."


Ibig sabihin, kailangan lang naming mapasa ang MUE para mabuhay muli?


Nasilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. Walang kurtina ang nagtatakip doon kaya't tumayo na ako mula sa aking pagkakahiga. Wala ring kuwenta dahil hindi naman ako inaantok. Nilingon ko ang isang orasan na nakalagay sa bedside table at napabuntong hininga. 5:00 AM pa lang. Sobrang aga pa para tumayo dahil nadismiss kami sa klase namin ng 2:00 AM.

Naisipan ko na lang na libutin ang buong school. Tiyak akong wala akong makakasalubong ngayon na mga estudyante dahil una; nagka-klase na ang mga nasa Angel Class at mamayang 12 pa lang sila madi-dismiss, at pangalawa; dahil tulog pa ang mga nasa Devil Class.

Kaya heto ako ngayon, naglalakad mag-isa sa hallway at pilit iwinawaksi ang lahat ng mga bumabagabag sa akin ngayon. Nasa first floor ako ng main building ng Resurrection Academy. Ang main building ay ang lugar kung nasaan ang cafeteria ng school, at dito rin nakalugar ang room ng mga nasa Angel Class at Devil Class mula first level hanggang fourth level.

Aakyat na sana ako sa nag-iisang stairway papuntang second floor nang napansin ko ang isang malaking pintuan na mukhang gawa pa sa isang narra. Nagtaka ako dahil nalibot ko na ang buong academy na 'to kahapon pero ngayon ko lang napansin ang pintuan na 'yon.

Dahil na rin siguro sa kyuryusidad ko ay napagdesisyonan ko na bumaba mula sa pagkakaakyat at pinuntahan ko ang malaking pintuang iyon.

Hahawakan ko na sana ang handle ng pintuang iyon nang may maramdaman akong kamay sa balikat ko.

"Miss Lux?"

"Headmaster Junmyeon!" gulat kong saad sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Kumibit-balikat ako sa kaniya at nilingon ko ang pintuan na nakita ko kanina pero nagtaka ako nang makita ko na wala na ito.

"Just hanging around. Hindi ako makatulog." sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya. Namalik-mata lang ba ako kanina? Asan na ang pintuan na iyon?

"Hmmmm... If that's the case," sabi niya sa akin at umupo siya sa isang bench na nasa gilid ng stairway. Bigla niyang ipinitik ang kamay niya at napamaang ako sa isang tea pot at dalawang tea cup na bigla-bigla na lang lumitaw sa tabi niya. Kinuha niya ang tea pot at nilagyan niya ng tsaa ang isa sa tea cup. "Would you like some tea?" nakangiti niyang tanong.

Umiling naman ako sa kaniya bilang sagot at ngumiti na naman siya. Hindi ba siya nagsasawa sa kakangiti? Nakakairita sa mata.

"Then I would like to ask a favor from you." sabi niya sa aking habang humihigop ng tsaa. "Perhaps you already know this academy's Rules and Regulations... and maybe about the weird things happening around this academy."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "What do you want?" I asked.

"We have a new transferee student this day. He's still sleeping right now in my room but I want you to be there for him when he's awake."

"And what does he have to do with me?" tanong ko na naman. Ang weird talaga ng headmaster na'to. He has this playful and calming yet mysterious aura surrounding him. And he annoys me.

Ngumiti na naman siya sa akin. Seriously, this guy is irritating. Nabibwisit ako sa ngiti niya for no reason. "Aalis ako. And I will be gone for 5 days to meet God." Kung hindi seryoso ang itsura ng headmaster na'to ay matatawa na ako sa sinabi niya. But nope, this guy is serious. "I know what you're thinking. But it's true. I have to meet God to talk about everything that has happened in this academy and its students. Every Monthly Unit Examination, I will have to go to Heaven to report everything to Him."

"...That's cool. I guess?" bulong ko.

"Anyway, since that transferee's tour guide is taking the exam right now, and since you're the only one available today, I would like to ask you to be that transferee's tour guide." sabi niya sa akin at muling humigop ng tsaa. Napanganga naman ako sa sinabi niya ng wala sa oras. "Are you serious? I just transferred in this academy yesterday and you want me to be a tour guide of a transferee? Wow, just wow. Wala na ba talagang iba na puwedeng mag take over? Hindi ko pa talaga fully na alam ang tungkol sa academy na 'to. I —-"

"Headmaster Junmyeon!"

Napalingon naman ako sa tumawag kay Headmaster at nag-init naman ang ulo ko nang makita ko kung sino iyon.

"Oh... Mr. Zion. Why are you here? You're taking the MUE today, right?"

Chester. Dan. Zion. Yeah, that devil of a guy who just left me wandering alone in this huge school. I freaking hate him.

"I asked Mrs. Angie to excuse me for now. Kailangan kong i-tour guide ang bagong transferee ngayon. You told me that he would be awake at exactly 5:44 right?"

Nagtaka naman ako sa narinig ko. Wait... What?! "So basically, Headmaster SUHO, you're telling me earlier that I have to be the tour guide of a GUY who's supposed to be an ANGEL CLASS student?!" bulalas ko. Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Chester dahil sa akin at agad na napaatras marahil dahil sa nakilala niya na ako.

"Yeap!" nakangiti namang saad ni Headmaster Suho. I decided that that's what I'm going to call him starting today.

"What does that suppose to mean Headmaster? You know that a Devil Class student can't possibly tour a transferee from the Angel Class!" saad naman ni Chester habang nagtatakang nakatingin sa akin.

"I know. I know." sabi naman ni Headmaster Suho at dahan-dahang tumayo.

"I will have to leave now. It's already 5:37. Para wala ng away, I decided that the both of you will be the tour guide of the transferee. I don't want to heat questions, or any complaints from you two. Understand?" natameme naman kaming dalawa ni Chester dahil sa sinabi ng Headmaster. Nagsimula siyang maglakad papunta sa lugar kung saan ko nakita ang malaking pintuan kanina at halos lumuwal na ang mata ko dahil muli itong lumitaw nang hawakan ni Headmaster Suho ang pader kung nasaan ko ito nakita kaninang nakalagay.

"Bye... Miss Lux, Mr. Zion. Goodluck! And oh, I forgot. You have to get back immediately after the tour Mr. Zion, or you may or may not be able to passed the MUE." Binuksan niya ang pintuan at nasilaw ako sa matinding liwanag na lumamon kay Headmaster Suho. Napapikit ako dahil sa sobrang sakit ng liwanag na nanggagaling dito. Pagbukas ko na lang ng mata ay doon ko napansin na wala na ang pintuan. At wala na rin si Headmaster Suho.

Nagkatinginan naman kami ni Chester. What the hell?





No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer