Saturday, May 14, 2016

Resurrection Academy : Chapter Three

RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel


"Malapit ng magsimula ang klase. Ano pang ginagawa niyo dito?" napamaang naman ako sa lalake na nasa harapan ko. Parang nakita ko na siya dati. Hindi ko lang maalala kung saan. Napatayo naman si Trevon sa narinig niya at bigla akong hinila.

"Crap! You're right! 4:58 na! Lagot tayo niyan kay Mrs. Finn d'Mon! Baka ipadala na naman ako sa Hell Room! Tara na!"

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Tiningnan ko ang orasan na nasa cafeteria at napanganga. Ganoon ba kami katagal nag-usap? Parang ang bilis naman ng oras na lumipas. Tumakbo si Trevon habang hila-hila pa rin ako. Muntikan pa akong matalisod sa kamamadali niya.

Napalingon naman ako sa kinalulugaran ng lalake na lumapit sa amin kanina. Kalmado siyang nakasunod sa amin habang suot-suot ang isang napakaseryosong mukha. Mukhang hindi pa siya natatakot na malate dahil kahit tumatakbo na kami ni Trevon ay naglalakad lang siya ng mahinahon.

Hindi ko maiwasang humanga sa itsura niya. Gwapo siya. Mukhang maamo ang mukha at para bang wala pa syang nagagawang masama sa tanang buhay niya. Napaiwas naman ako ng tingin nang bigla siyang tumingin sa akin.

Napaisip naman ako ng panandalian. Ngayon ko lang napansin na sunod-sunod ang lalake na nakikilala ko. At hindi ko maipagkakaila na lahat sila ay may mga itsura. Naalala ko si Chester. Kahit na sabihin pa nating para siyang lalampa-lampa at kahit na nakasuot na malaking salamin, hindi maipagtatanggi na gwapo ito. Napatingin naman ako kay Trevon na patuloy pa rin sa pagtakbo at paghila sa akin. Natutok ang atensyon ko sa eyebags niya. Hindi ko maiwasang matawa. 

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya sa akin ng mapansin ito. Naging seryoso naman ang itsura ko. "Wala." bulong ko.

Huminto kaming tatlo sa isang malaking pintuan na itim. May naka engrave pa doon na 'Devil Class'. "WEW! Mabuti na lamang at 4:59 pa lang! HAHAHAHA! May pag-asa pang hindi ako mapatapon ni Mrs. Finn sa Hell Room! Pasok na tayo!"

Papasok na sana kami nang bigla kong maramdaman ang isang kamay sa balikat ko. May pagtatakang tiningnan ko ang lalake na kanina pa sumusunod sa amin ni Trevon. "Anong problema?" tanong ko rito.

"Uniform." mahina niyang bulong kaya napakunot-noo ako. Natigilan rin si Trevon dahil dito.

"OO NGA PALA! BAKIT KO NAKALIMUTAN?!" bigla-bigla na lang niyang sigaw at tsaka napatingin sa orasan. "5:00 NA! ANONG GAGAWIN KO? PRESIDENT HANFORD! TULUNGAN MO AKO! SA LAHAT NG PWEDE KONG MAKALIMUTAN, BA'T ITO PA! LAGOT AKO KAY MRS FINN!" napatakip na ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Trevon. Sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang wala ito sa sarili niya.

"Ako na ang bahala. Pumasok ka na." sabi naman nito kay Trevon. Tiningnan naman niya ako at agad siyang napaiwas. "Sumama ka sa akin."

"PERO PRESIDENT JUSTINE CHAN HANFORD, MALALAGOT AKO KAY HEADMASTER JUNMYEON! Responsabilidad ko siya dahil ako ang inatasang tour guide ni Headmaster! Sasama din ako!"

Bumuntong-hininga ang lalake na tinawag ni Trevon na Justine, at kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay napagaya ako sa kaniya. Ang lakas-lakas talaga ng boses ni Trevon.

Sa huli ay wala ng nagawa si Justine at sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa kwarto ng headmaster para kunin ang uniform. Wala ang headmaster ng pumasok kami kaya naman ang mga katulong na ang nag-asikaso sa akin. Pinapasok nila ako sa isang fitting room at inabot nila sa akin ang tigta-tatlong pares ng iba-ibang disenyo ng uniporme na puro puti ang kulay. Mayroong isang regular na uniporme na kadalasang sinusuot ng mga studyante sa Academy na ito. May pagkakahawig ito sa uniporme na suot-suot ni Trevon at Justine ngunit palda nga lamang ang suot ko na pambaba, hindi isang slax pants na puti. Mayroon ding parang pang PE na uniform na puti rin ang kulay. At isang uniporme na parang gawa mula sa balat ng isang lobo na may hood pa. Mukhang ginagamit ito kung sakaling malamig ang panahon.

Sinuot ko na ang binigay na uniporme sa akin ng mga katulong at agad na lumabas dahil alam kong late na kami. Nakita ko naman ang dalawang lalake na nakaupo sa sofa na naghihintay sa akin.

"Tara na." sabi ko.




Pagkapasok na pagkapasok naming tatlo ay nasa amin na ang atensyon ng bawat estudyante na naroroon. Napatigil sa pagtuturo ang babae sa harap at nakataas ang kilay nito kaming hinarap.

"And where have you been... President Hanford, Mr. Auburn... and Miss?"

Nakakatakot ang aura na inilalabas ng babae na nakatingin sa aming tatlo. Pero hindi ko akalain na ang Mrs. Finn d'Mon na tinutukoy ni Trevon ay isa palang napakagandang babae. Ang inaakala ko pa naman ay isa itong matandang babae na sobrang strikto at nakakatakot. Mukha pa itong dalaga pero ipinagtataka ko ang paggamit ni Trevon ng 'Mrs.' dito.

"We helped this new student to get her uniform from the Headmaster." kalmado namang sagot ni Justine na parang hindi big deal ang pagkakalate namin. Tumango naman si Mrs. d'Mon at tiningnan ako. "So you must be the new student the Headmaster was referring to." sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko ngayon, pero itinago ko na lamang iyon at pinilit kong maging matatag sa harap ng maraming estudyante.

Maya-maya ay ngumiti siya bigla at may kinuha na isang papel at ibinigay sa akin. "Welcome to the Devil Class of the Fourth Level, Miss Alexis Lux." sabi niya sa akin. Napakunot-noo naman ako sa narinig ko.

"Alexis Lux?"

"That would be your temporary name for now until your first monthly unit examination. You wouldn't want anyone to call you miss, alone, would you? You will be excluded from taking the MUE tomorrow dahil bago ka pa lang naman at wala ka pang alam sa mga pinag-aralan namin kaya I recommend you not to attend class tomorrow dahil busy ang lahat sa pagte-take ng exam. Understand?" wala naman akong nagawa kundi tumango na lamang. May inabot naman siyang susi sa akin kaya taka ko siyang tiningnan.

"For your own room." sagot naman niya sa akin na para bang nabasa ang tanong sa isip ko. Pinaupo naman niya ako pagkatapos sa tabi ng isang babae na naka-pigtails at malaking salamin. May yakap-yakap pa siyang isang manika habang nakangiting nakikinig sa nagtuturo sa harap na si Miss Finn. Umiling na lang ako at tumingin sa chandelier na siyang nagsisilbing liwanag sa gabing ito.




"Okay ka lang?" nakangiting tanong sa akin ni Trevon matapos kaming madismiss sa pinakahuling subject ng klase namin. Medyo inaantok na ako dahil madaling araw na pero parang sanay na ang mga estudyante ng klase na ito na ganitong oras na sila nadi-dismiss. 2:08 na at kasama ko ngayon si Trevon para ihatid ako sa sarili kong kuwarto.

"Inaantok lang." bulong ko.

Tumango naman siya. "Gusto mong buhatin kita?" nakangisi pa siya habang tinatanong iyon. Pinandilatan ko naman siya ng mata. "Huwag na." walang gana kong sagot sa kaniya. Naramdaman niya siguro ang pagkawala ko sa mood dahil bigla-bigla siyang nanahimik.

"May tanong ako." basag ko sa katahimikan. Napalingon naman siya sa akin. "Ano yun?"

"Bakit ako nandito?"

Natahimik naman siya. Ilang minuto rin kaming nanahimik habang papunta pa rin sa Dark Dorm, kung nasaan ang kaniya-kaniyang mga kwarto ng mga estudyante ng Devil Class mula level 1 hanggang 4.

Nasa harap na kami ng kwarto ko, nang nabasag ang katahimikan na bumabalot sa amin kanina pa ni Trevon dahil sa sinabi niya.

"We are the Lost Souls. Kaluluwang hindi matahimik at hindi matanggap na patay na tayo. At nandito tayo para mabigyan tayo ng pagkakataon na mabuhay pang muli."




No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer