Wednesday, May 29, 2013

LHNSGQ : Chapter 3




     Galit na nagmananeho si Megan habang hawak ang isang device na isa pa sa inimbento niya. Hindi niya pa rin mahanap ang location ng apat. She's afraid na sa isang napakalayong-lugar idinala ni Red Tiger ang mga ito. Or better yet, maaaring nalaman na nito ang mga tracker sa katawan ng apat. Hindi imposible iyon. Matalino at magaling si Red Tiger. Hindi na siya magtataka kung madali nitong malalaman ang mga bagay na iyon.
That leaves her with no choice but to call someone she knew. Kahit ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang humingi ng tulong sa ibang tao, kaya niyang ipagsantabi ang kaniyang pride para sa mga kaibigan niya.
"Shiwal."
---
     Kanina pa inis na inis si Terrence sa ferarri na nasa harapan niya. Balak pa ata ng driver na i-show off ang sasakyan nito sa kaniya! Naturingan pa namang sports car ang sinasakyan pero para namang pagong ang nagpapaandar neto. Ayaw niyang gumawa ng gulo pero marami na ring mga sasakyan ang busina ng busina sa kaniya na parang kala mo siya ang may kasalanan.
     Bumaba siya upang puntahan ang driver nang bigla itong tumigil sa pagmamaneho at inis niyang kinatok ang bintana ng kotse. Mabuti na lamang ay binaba ng driver ang bintana. Magsasalita na sana siya pero nagulat siya nang pinicture-an siya ng driver nang ibinaba niya ang ulo niya sa may bintana. "Hah, it really works." Narinig niyang sabi nito. Napalunok naman siya ng humarap sa kaniya ang driver na hindi niya akalaing babae pala. "What?" Para siyang nanigas sa sobrang lamig ng boses ng babae.
     "I... I just want to tell you you're creating traffic disturbances. If you're going to stop your car make sure to make a hazard signal, hindi yung basta-basta ka na lang titigil diyan."  Sinubukan niyang magtapang-tapangan pero parang walang epekto yun sa babae. "I apologize, Mr. Terrence Alexander Cervantes." Napanganga siya ng sinabi ng babae ang pangalan niya. Nagtaka siya kung bakit nito iyon nalaman pero napaatras siya ng biglang tumaas ang bintana ng kotse at agad-agad iyong umalis sa harapan niya, leaving him standing there, still schocked.
---
     Nakangisi niyang pinagmamasdan ang babae na nakatali ngayon sa isang upuan. May duct tape na nakatapal sa bibig nito at may nakatakip itong panyo sa mata upang hindi makita ang nasa kaniyang harapan.
    Napakasayang isipin kung paano ngayon naghihirap ang kaibigan ng babaeng nasa harap niya upang mahanap lang ang mga ito. Napakahangal ni Megan upang isipin na matagal na siyang namatay. Akala ba nito ay hahayaan lang niya itong maging masaya? Hindi niya magagawa iyon. Hinding-hindi.
     Unti-unti niyang nilapitan ang babae at tinanggal niya ang panyo at duct tape sa mata at bibig nito. Takot na takot na nagpipiglas ang babae ngayon pero nagawa pa rin nitong magsalita. "Si- sino k-ka?!"
     Ngumiti lamang siya rito ng matamis at tinanggal niya ang maskara na nagtatakip sa kaniyang mukha.
   "Ate?!"
     Napatawa siya ng malakas sa reaksyon ng kapatid niya. Tama, kapatid niya ang babae na nasa harapan niya. At kaibigan nito ang babaeng kinamumuhian niya.
     "Tama ka... Kim."





No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer