Wednesday, May 29, 2013

LHNSGQ : Chapter 2





Hindi na siya nagtaka kung bigla-bigla na lang nawala ang mga garapata este mga lamang dagat na nanggaling sa impyerno na kani-kanina lang ay handa siyang saktan nang marinig nila ang mga boses ng mga sumigaw. Pero she's still quite upset. Dahil sa mga ginawa ng mga ito ay nalaman ng lahat na she's associated with those idiots. Although, not necessarily the idiot she deemed them as. Aside from Garelyn and her gang, may mas mga popular pang estudyante sa Academy na pagmamay-ari ng pamilya niya. Iyon ay sila Miguel "Miggs" Escorte, and the half Japanese twins, Takanashi Lee and Queenie Mae Yamoto. And her first friend in this school, Kimra Samantha Bernardo.

"Hah! Bitches better be hidin' 'cause I 'ma cut their heads off! Messin' up with mah friend here!" napakunot-noo naman siya ng noo . "I'll sew your mouth if you keep speaking in that way Lee." malamig niyang sabi rito. Napabuntong-hininga na lamang siya nang lumapit ang apat sa kaniya. May kinuha siyang maliit na device sa bulsa niya. Pipindutin niya sana iyon pero napatigil siya ng hinawakan ni Miggs ang balikat niya. "Are you sure you're going to do it here? Someone might see you." Tiningnan niya lamang ng blangko ang lalake at nakuha naman ito sa kaniyang tingin.

"There's no one in here after we've caused a scene Miggs! Relax!" sabi ni Queenie sa lalake at tumawa. "At tsaka, you know Megan. By this time, iritang-irita na siya sa damit niya. You know how she's a clean freak. Maliit na dumi nga lang ay nagagalit na siya, ano pa kaya yang basag na itlog na nasa damit niya ngayon?" natatawa ring sabi ni Kim.

"Kung ayaw niyong pagbuntunan ko kayong lahat ng inis ko tigilan niyo ako." walang ka emo-emosyon na sabi niya sa mga ito. Hindi niya na hinintay ang mga ito na sumagot sa kaniya at sa halip ay pinindot na ang maliit na button sa device na iyon.

They all watch in amazement how her uniform changed into a black suit. Kahit ilang beses na nila ito laging napapanood ay hindi pa rin talaga sila makapaniwala. Parang magic, but in a technological way. Hindi talaga nila maintindihan kung gaano katalino ang babae para makagawa ng mga device that would defy the impossible. Unang nakarecover sa kanila si Miggs na namumula ang mukha. "Why would you let them do that to you?" seryosong tanong nito sa kaniya. Nabalik din sa reyalidad ang tatlo nang marinig ang tanong ng lalake. "Yeah! Why let them do as they please? You're the granddaughter of the owner of this Academy for Pete's sake!" pagsang-ayon naman ni Lee dito.

"And you're not Adela Tan! You're Angelie Megan Reid, you're the Gangster Qu---"

"Queenie!" inis na pagsaway ni Kim sa babae. "Why do you all keep on forgetting why Megan's here in the first place? Don't say any unnecessary thing or information that would ruin her hard work!" napangiti naman si Megan sa kaniyang narinig. Glad someone here is not an idiot. That's the reason why she like Kim among them. Napayuko naman si Queenie dahil totoo ang sinabi ng babae.

"What Kim said was true. Hinahayaan ko lang muna sila sa ngayon dahil sa oras na labanan ko sila, rarami ang maghahangad na patayin ako dahil malalaman nila kung sino ako. At alam niyo namang mayroon akong mga minamanmanan sa Academy at isang pagkakamali lang ay mawawala lahat ng paghihirap na ginagawa ko." sabi niya sa mga ito. Natahimik silang lahat. "But then who says I'm just going to let them do as they please? I'm not going to fight them head-on. Tingnan natin kung anong mangyayari sa oras na makita ng buong school ang mga pinaggagawa ni Garelyn." nakangisi niyang pagkakasabi. Dahil doon ay napuno ng tawanan ang kaninang tahimik na hallway.

"Well then, this calls for a celebration! Let's go to the Underground Battle Dome today!" masayang wika ni Lee na sinang-ayunan naman ng lahat.

---

Angelie Megan Reid, the cold and heartless Gangster Queen. She knows she's not good. Admits that she's evil. But she upholds true justice, and would do anything to protect those people she loves the most.

Natatawa pa rin siya hanggang ngayon sa tuwing nahuhuli niya ang mga gangsters na nagbubulong-bulungan sa tuwing magkakasama sila nila Miggs, Lee and Queenie. Nagtataka sila kung bakit naging magkakaibigan silang apat na sa umpisa naman ay magkakalaban. Pero that was before. Miske siya ay hindi niya alam kung bakit bigla-bigla niyang naging kaibigan ang mga ito.

Mga gangster silang apat except for Kim. They're all quite the hot shot here, with her being the Gangster Queen and with them being members of the Dark Gang, the strongest gang in the Gangster Society. Si Miggs ang leader ng mga ito.

Naghiwa-hiwalay muna sila upang puntahan ang sari-sarili nilang headquarters. Pumunta si Megan at Kim sa office ni Megan habang ang tatlo ay pumunta sa headquarters ng gang nila.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Megan sa kaniyang office ay kaagad-agad niya ng napansin ang isang envelope na may kakaibang tatak sa table niya. Agad-agad niya itong pinuntahan at nanlaki ang mata niya ng makita niya ang malinaw na itsura ng tatak na ito. Nanginginig niya itong inabot at binuksan pero napatigil siya ng may marinig siyang kalabog sa labas ng kaniyang office. Lalabas na sana siya pero pinigilan siya ni Kim. "Ako na ang titingin." sabi nito sa kaniya. "P-pero!" 

Nanlaki naman ang mata niya ng pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ni Kim ay may humablot na kaagad sa kaniya. Agad siyangnapatakbo papalapit rito pero may naghagis sa kaagad sa kaniya ng isang shuriken. Napahawak siya sa pisngi niya na nadaplisan at ngayon ay dumudugo na. Pagtingin niya ulit kung saan naroroon si Kim ay nawala na siya. Damn it!

Agad-agad niyang pinuntahan ang headquarters nila Miggs pero nagulat siya sa magulong kwarto na natagpuan niya. No sign of Miggs. No sign of Lee. No sign of Queenie. Nanlalantang napahawak si Megan sa pader. Damn it! Now where would she find them?! Inilibot niya ang tingin sa kuwarto at napasuntok siya sa pader ng makitang muli ang tatak na nasa envelope na halatang inispray paint sa tv sa loob ng office. Isang pulang tigre.

Muli niyang naalala ang envelope na naiwan niya sa kaniyang office. Binalikan niya ito at binasa ang laman nito.

"Anong pakiramdam mawalan ng mga bagay na pinapahalagahan mo? Anong pakiramdam na mawala ang kaibigan mo? Anong pakiramdam mawalan ng mga taong nagmamahal sayo? Masaya diba? Naramdaman ko lahat ang mga bagay na iyan dati. Hanapin mo ako Megan. Kalabanin mo ako. Magalit ka sa akin. Ibabalik ko sila sayo sa oras na matalo mo ako.
- Red Tiger "

Napakuyom siya na halos maging puti na ang kamao niya matapos niya itong mabasa. Napakawalang-hiya talaga nito! Galit na galit siyang lumabas sa Underground Battle Dome. Iyon ba kamo ang gusto nito? Fine! Pero sa oras na makaharap niya ito ay hindi siya magdadalawang-isip na patayin ito!


No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer