Wednesday, May 29, 2013

LHNSGQ : Chapter 1





Napatingin siya sa isang malagkit na bagay na ibinato sa kaniya ng mga masasamang kampon na nanggaling pa ata sa impyerno. Wala na talaga silang matinong nagawa simula ng pumasok siya dito sa school na pagmamay-ari ng pamilya niya. Ipinagsawalang-bahala na lamang niya ang nangyari sa kaniya, hindi naman siya tanga para lumaban sa mga ito. Hindi dahil sa mas malakas ang mga ito sa kaniya, sadyang naaawa lamang siya sa mga sasapitin ng mga ito sa oras na bigyan niya ang mga ito ng aral.

Pero ano namang makukuha niya sa mga ito? Mga walang kwenta lamang silang estudyante na kakailanganin niya para mas maging epektibo ang kaniyang pagpapanggap. Bugbugin niya man ang mga ito, hindi pa rin siya magiging masaya dahil may mas importanteng bagay pa siyang dapat na magawa bukod sa pakikipaglaban.

"Nakakatawa ka talaga." napatigil si Megan nang marinig niya ang nakakairitang boses ng babaeng iyon. Napapikit na lamang siya at sinubukan niyang kalmahin ang sarili niya. Napakaikli ng pasensya niya. Lalong-lalo na kung ang kaharap niya ay isang hipon. Napangisi siya sa kaniyang naisip. "Adela, Adela, Adela... hindi ko talaga alam kung bakit ka napunta sa paaralang ito? Sinubukan mo bang landiin ang mga professors dito? Oh baka naman binigyan mo ng death threat ang chairman dito? Tell me! Kasi hindi ko talaga lubos na maisip kung bakit ang isang NERD, PANGET at MAHIRAP na katulad mo, napunta at nasama sa mga katulad namin!" pinalibutan siya ng hipon, pusit, balyena at ibang pang lamang dagat pero nanatili lang siyang kalmado. Inayos niya ang kaniyang salamin na unti-unti ng nahuhulog sa kaniyang mukha. She doesn't even have to wear the stupid eyeglass but for the sake of pretending to be a nerd, she has to wear it.
Different words but always the same thoughts, naisip niya. Who would have thought that a witch like her could have possibly passed the entrance exam of this Academy? She's eating her own words. Kilala niya si Garelyn Toreta. Kilalang-kilala niya. Plastic surgery? Check. Damn personality? Check. Seduced all male professors? Check. Used damn money just to enter this school? Check. Gangster? Check. Weak? Absolutely check. And that's the reason why she won't fight the bitch. She will not gain anything from it. At lalong-lalong hindi siya apektado sa mga sinasabi nito dahil alam niyang hindi niya ginagawa ang mga ito. However, naaawa siya para rito. Sa ngayon ay marami pa itong suportang natatanggap sa mga tao dahil maniwala ka man o hindi ay sikat ang babaeng ito. But once na nalaman ng lahat ang mga impormasyon na alam niya, siguradong-sigurado na mawawala ang mga ito sa isang bula.
"Aww... you're so PATHETIC. Too scared to talk? Tell us nerd. Tell us the truth! Tell us what's on your little mind!" gustong-gusto na talaga niyang umalis. Unang-una sa lahat, she's bored. Pangalawa. gusto na niyang magpalit ng damit. Pangatlo, nagsisimula na namang uminit ang ulo niya. Kung hindi pa siya aalis dito, she might blow her cover. She's no Adela Tan. And there's no way in hell she could be a nerd. Ngayon naman ay umeeksena ang isang pusit. Si Melissa Corone, isa pang alipores ng isang hipon. Natatakot na tuloy siyang biglang maging dagat ang buong Academy kung hahayaan lang ng buong mga estudyante na pamunuan sila ng mga ito.
"Doofus." bulong niya. Sinadya niya itong lakasan para inisin ang mga ito at lihim siyang ngumiti ng makita ang mga reaksyon nito. But damn, she really needs to go. 
"What did you say?" tanong ng isang balyena. Kinibitan niya lang ito ng balikat na mas lalong nakapagpa-inis sa kanila. Nagsimula na silang lumapit sa kaniya upang sabunutan siya pero napangisi lang siya ng marinig ang isang nakabibinging sigaw sa hallway. Apparently, they're here.
"STOP IT, BITCHES!" 
"Try hurting her and you won't get away from us!"
"MEG--- I MEAN ADELA!"
"I KNOW ALL YOUR UGLY FACES AND STUPID NAMES! I'LL REPORT YOU ALL FOR ASSAULTING AN INNOCENT STUDENT!" 
Napa-face palm na lamang siya ng wala sa oras. Trust those idiots to do idiotic things when she's in trouble. But atleast she has those idiots to save her, and that makes her happy.


No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer