Saturday, May 14, 2016

Resurrection Academy : Chapter Seven

RESURRECTION ACADEMY
by : Hannah Jewel


Too much information. Too much things that needs to be processed thoroughly. Too much weirdness that I still need to cope up with.
Hindi pa rin kapani-paniwala ang mga sinabi sa akin ni Mrs. Psyche. I just can't help but question why the hell are they part of this Cavalier thing? Sabihin na nating ayos lang sa akin kung makakasama si Justine kasi kahit nasa Devil Class siya ay mukha naman siyang matalinong tao este kaluluwa. And I'm taking back what I thought earlier about Chester. Even though I hate him, alam ko naman na responsible siyang tao and a genius one too. Pero si Trevon? And Luke? I may be judgemental dahil hindi ko pa naman lubusang kilala si Luke pero kung sobrang weird na ang tingin ko kay Chester, nagiging unkumportable naman ako 'pag napapansin ko ang mga tingin na binibigay sa akin ni Luke.
I erase all those thoughts nang mapansin ko na ang pagsisidatingan ng mga estudyante from both sides. It's already 9:00 am and like what Mrs. Psyche had told me, all students came to the cafeteria just to celebrate the arrival of the new Cavalier. The Angel Students took a short break from the Monthly Unit Examination while the Devil Students look like they just woke up from their sleep. Habang kami naman na apat ay nagstay na lang dito sa cafeteria, pinagtitiisan ang kadaldalan ni Trevon. Umalis si Chester kanina para ipagpatuloy niya ang naudlot niyang pag te-test sa MUE.
Kanina ko pa napapansin na tumitingin sa akin si Luke and the hell, it's so creepy. It's good that Justine is here to take the attention Luke is giving me while they secretly chat leaving me with no choice but to patiently listen to all what Trevon has to say. In the end, I decided to take the initiative to ask him what has been bugging me ever since the matter with Mrs. Psyche. "Bakit 'di niyo sinabi sa akin na may ganito palang okasyon ngayon?" tanong ko. Imbis na sagutin niya ako ng maayos na sagot ay ngumisi lamang siya habang naka 'V' Pose sabay sabi sa akin ng, "SECRET! NIYAHAHA!"
Muntikan ko na siyang suntukin dahil doon.
Bumuntong-hininga na lamang ako nang biglaang may umupo sa tabi ko and I saw Chester na katatapos lang ata mula sa MUE. Diretso lang ang tingin niya kaya hindi na ako nag-isip ng paraan para kausapin siya. Mukhang wala rin naman ata siyang balak na kausapin ang mga tao na hindi niya kasection at mukhang hindi rin niya makakasundo si Luke dahil may kapatid itong isang Devil Class Student na kasalukuyan niyang kausap ngayon.
Sa huli ay napag-isipan ko na lamang na matulog kaya't dumukdok na lang ako sa table naming dahil nahihilo na rin ako ep[ekto ng hindi ko pagtulog mula kanina. Nagpapasalamat ako ng sobra-sobra kay Trevon dahil sa mga sinabi niyang mga rebelasyon na nagging dahilan kung bakit hindi ako nakatulog.
"Lyra... Huwag mo akong iiwan."
"Lyra, naaalala mo ba ako?"
"Lyra, mahal kita. Pangako, ako ang magpapasaya sayo."
"Lyra, pwede bang ako na lang ang piliin mo? Huwag sila. Dahil ako lang makapagliligtas sayo. Tawagin mo lang ako at nandyan na ako sa tabi mo."


"ALEXIS! HUY! GISING!"
Naalimpungatan ako dahil sa boses ni Trevon. Mukhang kanina pa nila ako ginigising. Tiningnan ko lang sila ng masama dahil sobrang sakit pa rin ng ulo ko pero ipinagwalang-bahala ko na lamang iyon. "Bakit?" tanong ko.
"Start na ng celebration." bulong niya sa akin at may tiningnan siya sa harap niya. Sinundan ko naman ang tingin niya at nakita ko si Justine na seryosong-seryoso ang mukha pero ngumiti siya nang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya. Weird.
"Fellow students of the Resurrection Academy, It's been 8 months since I became the first Cavalier in this school and it is my duty to introduce you the last Cavalier who will be with us to lead the students in this academy." pagsisimula ni Justine. Hindi ko napansin na nasa tabi na pala niya si Chester at Trevon, leaving me with Luke. I sighed. This is so awkward.
"Our goal is to diminished those walls that divide us students from each other. We strive to help our fellow students from the discrimination they get from both sides." sabi naman ni Chester. Napanganga lang ako sa sinabi niya. Really? Napaka-ironic lang na sa kaniya pa nagmula ang mga salitang 'yon dahil ramdam na ramdam ko sa kaniya ang pagka-hate niya para sa mga katulad ko na mga Devil Class Students.
"That's why the headmaster which is not here today created this Legion of Honor called the Cavaliers which will be consisting of 2 students from both sections to prove that all students of the Resurrection Academy are the same and that no one is supposed to be greater from one another." dagdag naman ni Trevon.
Pinagmasdan ko naman ang mga mukha ng iba't-ibang estudyante pero ang nakakuha ng pansin ko ay ang mga diretsong mukha ng mga Angel Class Students na para bang hindi sila interesado sa mga sinasabi ng mga Cavaliers habang mababakasan mo naman ang mga hope sa mukha ng mga Devil Class Students na parang hinihintay nila ang araw na wala ng diskriminasyon na mangyayari sa pagitan ng dalawang section.
Nagulat naman ako ng biglang magtaas ng kamay ang isang Devil Class Student habang nakatingin ng diretso kay Chester. Napansin ko lang na siya pala yung babae na nakatabi ko kagabi sa klase namin kay Mrs. d'Mon na may hawak na manika.
"I would like to ask something." anunsyo niya.
"Go on."
"Kung kakailanganin lang rin naman pala namin kayo para maayos ang relasyon sa pagitan ng dalawang seksyon sa school na 'to, then why bother creating 2 different sections with names that suggest discrimination itself? Angel... Devil. See the difference? We won't be needing the Cavaliers. We only need to remove the 2 sections and unite the students."
"What you're saying will have to undergo a long process before it completely happens, Miss Baron. We are currently discussing over that matter with the officials but as of now, please bear with us." sagot ni Justine.
"And as for the reason why this school has 2 sections, the answer is we do not know the reason. You can either go to the headmaster after he comes back to ask that." sagot ni Chester.
Tumango naman si Miss Baron at umupong muli sa kaniyang upuan.
Biglang pumalakpak si Trevon kaya napa face palm ako. What the hell is wrong with this guy. Really.
"Okay! No more questions? O'rayt! Without further ado, let me introduce you our last Cavaliers!" nagsibulungan naman ang mga estudyante. Kumunot ang noo ko. Cavaliers? Hindi ba't isa lang ang kakailanganin nila na Cavalier dahil tatlo na sila at apat lang ang dapat na nasa posisyon? And it is clear to me that Luke is the last one. Who is the other one? Or maybe who are the others?
"For those whose names will be called, please come in front."
Iba-ibang reaksyon naman ang nakita ko ngayon sa mga estudyante sa magkabilaang seksyon. Even the Angel students became interested. Pumikit ang iba at parang hinihiling nila na matawag ang pangalan nila.
"Jean Luke Hanford." mula sa table namin ay kalmadong tumayo si Luke at pumunta sa harap.
"Baek Li Hyun."
"Daziel Ong."
"Alex Kristian Franco."
Tumataas na ang kilay ko sa rami ng pangalan na binanggit ni Trevon.
"And the last but not the least..."
Bumuntong-hininga ako at napailing. Hindi naman ako interesado kung sino ang nasa posisyon. Bahala sila sa buhay nila. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung sino ako at bakit ako namatay at kung bakit isa akong lost soul.
"...ALEXIS LUX!"
Kumunot ang noo ko. Seriously?

No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer