Sunday, May 22, 2016

LHNSGQ : Chapter 6



     Kunot noong tiningnan ni Terrence ang babae na nasa harapan niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tinatanong nito ang mga impormasyon na nalalaman niya kay Red Tiger samantalang sa pagkakaalam niya ay matagal ng patay ang nasabing tao. Matapos niyang umalis sa Red Tiger Gang ay nalaman niya na nakalaban ng dati ni Red Tiger ang Gangster Queen. Makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan niyang nawala ito at di umano'y kumalat ang balitang patay na ito. Kaya bakit naman tatanungin ng Gangster Queen ang isang katulad niya tungkol sa isang taong matagal ng namayapa sa mundong ito? 

     "I don't really understand where this conversation is heading to, but at least let me know what the hell is happening here, Empress Phoenix." tanong ni Terrence kay Megan. Kumibit-balikat lamang si Megan matapos marinig sa lalake ang kanyang ginagamit na pangalan sa Gangster Society. Matagal-tagal na rin niyan hindi naririnig ang pangalan na ito, and hearing it from someone who she had just met felt weird. Ipinagsawalang bahala na lamang niya ito at sa halip ay tiningnan niya ng diretso sa mata ang lalake na napaatras dahil sa takot, sunod ay nilipat niya ang kanyang tingin sa envelope na nahulog nito kanina at muling tiningnan sa mata ang lalake. Just by that simple gesture she made, nakuha na kaagad ni Terrence an ipinahihiwatig nito. Yumuko kaagad siya upang kunin ang nahulog na envelope, binuksan ito at kaagad na binasa ang laman nito.Hindi niya maiwasang mapanganga pagkatapos niya itong basahin. 

     "R-Red Tiger... She's alive? How come? And I don't understand... She kidnapped your friends?" Walang kaemo-emosyon na tumango si Megan. Sa rami ng impormasyon na pumasok sa utak niya ay napaupo na lamang si Terrence. Naramdaman na naman niya ang takot na matagal ng nawala sa kaniya nang malaman niyang patay na si Red Tiger, na unti- unti na namang gumagapang sa puso niya. Akala niya mabubuhay na siya ng tahimik pero ngayong malaman niyang buhay pa ito ay hindi maiwasang hindi mapakali. 
     "What is it?" tanong ni Megan sa kaniya ng mapansin ang pananahimik nito. She sat behind her office desk and rustled around, opening the drawers as if looking for something. Bumuntong-hininga siya at napatigil sa kanyang ginagawa at tiningnan ng masama si Terrence na hindi sumasagot sa tanong niya at ngayon ay nakayuko. Umaatake na naman ang pag-init ng dugo niya. Napakaikli talaga ng pasensya niya. "I told you, you need to tell me everything about Red Tiger. I'm in a hurry here so please focus." 

     "I don't even know where should I begin yet." nanginginig na sabi ni Terrence sa kaniya. Pasimple niyang pinunasan ang tumulong pawis sa mukha niya. Hindi talaga siya mapalagay ngayong alam niyang buhay pa ang babaeng iyon. Itinaas niya ang kanyang paningin kay Megan na ngayon ay tila nahanap na nito ang kanina pa nitong hinahanap, hawak-hawak ang mukhang maliit na cellphone, doble... Hindi, triple ang liit sa isang iPhone 4s. Pamilyar ito sa kaniya at nanlaki ang mata niya ng maalala niya kung ano ito. Isang device na natatanggap lamang ng mga taong may matataas na posisyon sa Gangster Society. Ang Identity Device na inimbento mismo ng Gangster Queen. Nagulat siya ng bigla nitong inihagis sa kaniya ang nasabing device at halos magkandarapa na siya para lang masalo ito. 

     Napakahirap makuha ng device na ito. Maraming mga gangster ang paniguradong gagawin ang lahat makuha lamang ito. At panigurado, pati mga police pagkakaguluhan itong makuha. Isa itong device na kayang idetect ang mga marka na naiiwan sa isang bagay. Mula sa isang simpleng marka na iyon ay nalalaman kaagad ng device kung sino ang nag-iwan ng markang iyon. Megan has her own ways para lang maprogram niya sa napakaliit na device na ito ang kanya-kanyang fingerprints ng mga tao. The problem is, tanging mga fingerprints pa lang ng mga tao mula sa Pilipinas, Japan, London at America ang naipo-program niya rito, which means hindi pa talaga niya natatapos ang Identity Device na iyon.

     "What should I do with this?" takang-tanong ni Terrence kay Megan. "Use it to identify the person who left that envelope at my desk." napaikot na lamang ng mata si Megan sa kaniya at binigyan ng tingin na parang sinasabi Ano sa tingin mo? 

     Napakamot na lamang sa ulo si Terrence at agad na sinunod ang babae. Sa una ay hindi niya pa alam kung paano i-operate ang device pero nang marinig niya ang diretsong beep at pagb-blink ng green na ilaw na nanggaling dito ay napatingin siya kay Megan na tumango naman sa kaniya. Itinapat niya ang gadget na ito sa envelope at napalunok siya ng paglabas ng red na ilaw na nakikita niya sa mga ginagamit ng mga cashier sa tuwing pupunta siya sa mga supermarket, na iniiscan ang envelope. Beep, beep. There's no mark detected. 

     Nagtinginan ulit si Megan at Terrence at parehas silang napakunot-noo. Nautakan ba sila ni Red Tiger? Alam ba nito ang mangyayari? 

     Muling itinapat ni Terrence ang Identity Device pero ganoon ulit ang nangyari. "Wait." napatigil siya nang magsalita ang babae. "Have you tried scanning the back of that envelope? Or the letter inside that thing?" nagtatakang tanong ni Megan sa kaniya. Napanganga naman si Terrence at hindi nakapagsalita. Muling napa roll eyes si Megan at napabulong, "Dim wit." 

     Ginawa na ni Terrence ang sinabi ng babae at halos mapatalon siya sa gulat ng biglang nag-beep ng limang napakalakas na beses ang device.  Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tiningnan ang screen ng Identity Device at muntikan niya na itong mahulog kung hindi lang niya naalala na pwede siyang patayin ng babae na kasama niya kung masira niya ang device na ito. "C-Chino Lim." bulong niya. It felt foreign to him to say the name of that man. Matagal niya na itong nakalimutan, at ngayong naalala niya ito ay para bang masusuka na siya.

     "What?" 

     "Chino Lim, the right hand man of Red Tiger. He goes with the code name Hellsing, considered as one of the most dangerous man in the Gangster Society." dire-diretsong pagkakasabi niya habang iniiwasan ang tingin ni Megan. 

     "I see... that name sounds familiar by the way. Is he the son of some politician in our country?" tanong ni Megan na ngayon ay nakatayo at tinitingnan ang mga gadgets na nakadisplay sa Black Room. "Yes. He's using the power that his dad has to cover up all the people he'd killed." pag-agree niya kay Megan. 

     Tumango-tango si Megan. Dumaan ang mahabang katahimikan at akala ni Terrence ay paaalisin na siya ni Megan pero doon siya nagkakamali. "You know what? You can tell me more about it next time. I've made up my mind. I want you to become my first right hand for now. It's only temporary and I'm going to use you to save my friends." hindi mapigilan ni Terrence ang mapatayo pero nang humarap sa kaniya si Megan ay nanigas siya at muling napaupo. "B-But... I don't want to! There will be no next time! I won't see you again so leave me alone. I don't have anything to do with the fight that you two are having so just let me go!" galit niyang sabi.

     "I told you, this is only temporary. I won't bother you again after this. I only need to save my friends from the grasp of that woman and I'll let you go. I just need you for me to make a plan how to defeat Red Tiger." malinaw at mahinahon na pagkakasabi sa kaniya ng babae. Kinagat niya ang dila niya. Gusto niyang tulungan ang babae kasi nakikita niyang mahalaga sa buhay ng babae ang mga kaibigan nito. Pero mas mahalaga ang buhay niya kaysa sa mga iyon.

    "I'll leave." sabi niya at tumayo. Nagsimula na siyang humakbang papunta sa pintuan. Palabas na siya ng marinig niya ang boses ni Megan, "I'll be waiting." napapikit na lamang siya at sinarado niya na ang pintuan. Nakita niya ang maid na kasama kanina ni Megan na nakatayo sa labas at mukhang hinihintay siya. Magtatanong sana siya kung saan ang daan palabas ng mansyon nang magulat siya ng lumapit ito sa kaniya at ang huli na lamang niyang nakita ay ang pagsuntok sa kaniya ng maid at pagdidilim ng paningin niya.

---

     Lahat ng mga kamiyembro niya ay napapaatras sa tuwing ihahakbang niya ang kanyang mga paa. Napangiti siya. Masarap sa pakiramdam niya ang mga takot na nararamdaman ng kaniyang mga kasamahan, at mas masarap sa pakiramdam na malaman niyang ang takot na iyon ay dahil sa kaniya. 

     "Hellsing." pagtawag niya sa kanyang kanang kamay. Agad niyang naramdaman ang presensya nito sa tabi niya. Lumawak ang ngiti niya nang maamoy ang dugo na nanggagaling sa kasamahan niya. May pinatay na naman ito.

    "Status." patuloy siya sa kaniyang paglalakad habang nakasunod ang tinawag niyang Hellsing. "Everything is going according to your plan. Narinig kong may pinapasok si Empress Phoenix sa Gangster Palace. I think she's planning something." tumango si Red Tiger pero napatigil siya sa paglalakad. "Sino ang pinapasok niya?" takang tanong niya. 

     "Terrence Alexander Cervantes." pagkarinig niya sa pangalan na iyon ay binalingan niya ang kasama niya. Tiningnan niya ito ng masama at napakuyom siya. "Owl?" gulat niyang saad dito. Tumango ang lalake. Halos mamuti na ang kamao niya dahil sa narinig. "What the hell is she planning to do?" kumalma siya matapos maramdaman ang kamay ni Hellsing sa balikat niya. "What about Lee and Queenie? Pumayag na ba sila?" muli niyang tanong. 

    "Maybe... maybe not. I don't know. They haven't opened their mouths since your conversation with the two." 

    Tumango na lamang si Red Tiger at iniwan si Hellsing na nakatayo doon at pumunta sa kuwarto niya. Tinanggal niya ang maskara na nagtatago sa pagkatao niya at hinaplos ang sugat sa mukha niya. Isang marka na laging isinisigaw ang nakaraan sa kaniya. 

     "Lia." bulong niya at tumulo ang luha na kanina niya pa gustong ilabas.

---

     Masakit ang ulo ni Miggs. Para bang minamartilyo ito sa sakit. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Madilim. Napakadilim. Ginalaw niya ang kamay niya at tsaka niya lang napansin na nakatali siya sa isang upuan. "Pinagti-tripan niyo na naman ba ako Lee? Queenie? Kasabwat niyo ba sila Megan at Kim?" pagtawag niya sa mga kaibigan niya. Nais niyang manigurado. Minsan na siyang napagtripan ng kambal niyang kaibigan, baka isa na naman itong panti-trip sa kaniya ng dalawa. 

    "Pwede bang tigilan niyo na ang kalokohan na ito?" muli niyang pagtawag sa mga ito. Napabuntong-hininga siya. Kung hindi sasagot ang mga ito ay mapipilitan siyang tanggaling mag-isa ang tali sa kaniyang kamay at paa. Sanay na siya sa mga ganitong pangyayari. Minsan na silang nakidnap ng gang niya dahil sa mga gangs na nagtulong-tulong para tumaas ang rank nila sa Gangster Society. Unfortunately, malakas silang mga Dark Gang. Kahit isang daan pa silang gang na magtulong-tulungan ay kaya nila itong pabagsakin.

    Nang matanggal niya ang tali sa kamay niya ay inumpisahan niya ang tali sa paa niya. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya at kinapa-kapa ang kaniyang paligid, hinahanap kung mayroon bang switch ng ilaw ang kuwartong ito. Hinawakan niya ang pader at nang may makapa siyang bagay ay agad niya itong pinindot. Sumakit ang mata niya sa biglaang pagliwanag ng paligid. Nang mag-adjust ang mata niya ay pinagmasdan niya ang paligid. Kunot-noo niyang tiningnan ang mga nakita niya. Isang manika, mga bote ng alak, maduming kuwarto na ang pader ay sa tingin niya pinagdrawingan ng mga bata. Pero mas lalong kumunot ang noo niya ng mapansin ang isang punit na litrato sa sahig. Nilapitan niya ito at akma na sana niya itong pupulutin nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto. Nanigas ang katawan niya at hinanda niya ang kaniyang sarili. 

     "Miggs!" nanlaki ang mata niya nang makita niya ang pawis na pawis na kambal na lumuwal sa pintuan . Mukhang tumakbo ang dalawang ito at halatang pagod na pagod ito. 

    "Saan ba kayo nanggaling? Kanina ko pa kayo tinatawag? Pinagti-tripan niyo na naman ako!" panenermon niya sa dalawa. Akala niya tatawa ang dalawang ito katulad ng ginagawa nila pagkatapos niyang mahuli ang dalawa sa mga kalokohan nila pero seryoso pa rin ang dalawa. "There's no time for this Miggs! We need to escape from this hell!" sigaw ni Queenie sa kaniya. Dahil doon ay naging seryoso na rin siya.  "What do you mean?" takang tanong niya rito.

     "Si Red Tiger ang may pakana ng lahat ng ito Miggs! Pinuntahan niya kami kanina! Buhay siya, buhay!" natatarantang saad na sabi ni Lee. Nagsalubong ang kilay ni Miggs nang marinig ang sinabi ni Lee. 

     "By this time, baka napansin na nila na nakatakas kaming dalawa. So we need to hurry!" sigaw muli ni Queenie. Nakagat na lamang ni Miggs ang labi niya at pumikit. Pagbukas niya ng mata ay nakatingin ang dalawa sa kaniya at para bang hinihintay ang utos ng leader nila. "Let's go." sabi niya.

No comments:

Post a Comment

Comment if you like this post.

Chrome Pointer